Miyerkules, Abril 13, 2016

The Bird That Was Left High and Dry


You were the wind that put my hopes up;
I was the bird you taught how to fly.
You blew harder, faster was my flap
I gained composure and went on high

Little by little I neared the peak
Then the air was warm, and trees were stiff
But before I made it on the brick
Your breath ceased, and I fell off the cliff.

Lunes, Disyembre 14, 2015

TIME BEYOND ITS LIMITS



There's not a single second wasted when I'm with you
Those long walks searching for a delicatessen,
Couple of moments spent for picking grub in a queue
Even for stories told in credits of calls given.

There's not a single minute forgotten when I'm with you
Those sudden lovely stares and making of faces
The warmth of your hands caressing mine during films we view
As on my forehead, your lips give a subtle press.

There's not a single hour neglected when I'm with you.
Those numerous arguments over silly things
In which you'd often yield and let me win in a few
Then we would burst out in laughter that loudly rings.

There's not a single day that I regret being with you.
The discovery of new streets like we're heading Rome
While singing the songs that prick our souls and renew
Adorned, made more splendid by tight hugs that feel like home.

THERE IS A LIFETIME that I would just choose not to live
If I do not get the chance to live it with you.
From daytime to nighttime of togetherness,
I can only wish for the day to contain more rooms for spare hours
And for every second, minute, hour, day of this whole lifetime—
It'll be your hands that I will have to hold.

The Gift


Once there was a doomed little girl
Stuck reciprocating regrets
Life went on and she had been left
And not the one that got away

'Til once, pain gave her a cold kiss
And while she was barely breathing
On the verge of groping for bliss
Her memories started blurring.

After a year of her comeback,
Focused on His ways, someone peered
Who shared stories and made a pact
To stay as he has volunteered.

I don't know how, but it happened
I, slowly watching my soul crave
For yours, like I found an old friend
By then, I knew—
Digging deeper to know you was my fave.

Love, you are the stars that flicker at night;
That stroked colors in the dull nightsky
Your face, my cup of tea delight
Your voice, my precious lullaby.

I wish my words won't ever fail me—
I love you, is what today matters
I will wait, not just on you, but on us.
My heart is the gift; my love is its covers.

That Morning



Good morning is a phrase
Too cliche and used up
Like an engine for days
Prior to drinking their cup
So I'd like to figure out
Some way else to put it
To one I often think about
When my mind from doze split
Now let me tell you this:
Mornings signify chances
A new birth to have bliss
From God who made the sun
that rises
Darling, what makes time worthwhile
Is to ponder on waking up with a high hope—
A love like this grow even stronger
'Til that indeed, one good morning
That I walk down the aisle

Of What I Owe

Tonight, this itchy feeling came up
That I have been needing to pen down
These units of language bursting up
To the skies above from my splattered heart down.

Uncertain is myself as I am writing this
Why the fever pitch this time, I don't get to miss
While babu is asleep,
I ain't collapsing all of it in my head anymore
But will instead bed it down on his spine and core

Never, has it ever been so easy
To stick around and watch yourself crumble
When you see nothing's set to agree
When you feel like pieces falling from a puzzle

This is to owe you an apology--
A truthful sorry for keeping things to myself
A principled disclaim for being an ideal lover
A real contrition for taking your emotions for granted

Visceral mood cannot be washed away by aphorisms--that I know of
Or a mountain of citations;
Or a heap of written letters
But would you still accept this one
If it's my greatest shot of turning of phrases?

Please hear me out,
As I tell you we got our wires crossed:
Keeping my distance from you had been my initial thought
But believe me, it's the last thing I am capable of doing

I made this poem to tell you subjectively
I love you, warts and all
You know I don't wear my heart on my sleeve really
So I wrote you this--
The inside of my heart and soul.

Martes, Oktubre 21, 2014

ISTIRD AP DRIM


    Teka, huhulaan ko. Bago mo pa basahin ‘to, malamang eh lumanding na ang dalawang mata mo sa pamagat ng kung anumang isinusulat ko rito. Tama? Syempre tama. Lagi akong tama. Charot. Naiintindihan mo ba kung ano ang ibig sabihin nito? Uunahan na kita, ha. Hindi ‘yan ginamitan ng ibang lenggwahe. Hmm, paano ko ba ie-explain? OK, let’s put it this way: Please read entoto. “Du yu no haw tu rid?”; “Way ar yu akshwali riding dis?”; “Wat du yu thingk abawt may reakshon peyper?” AYOS BA?

    Pasensya na. Mukhang lalo ka atang nawindang. Wait, may naisip akong paraan. Last na ‘to. Kapag di pa rin nag-work… Tatapusin mo pa rin basahin ‘to syempre. Hehe. Malakas ako sa’yo eh. GAME! Magkwentuhan nalang tayo.

    Kahapon, ay ang tinaguriang last day of 2nd year, 1st semester ng block namin sa kolehiyo ng komunikasyon. Ang mabuting balita, hindi kami literal na magka-klase, (tipong sinisilaban na ang mga puwet dahil sa pag-upo ng isa’t kalahating oras habang nakikinig sa propesor na todo paliwanag kung paano sumulat ng isang komedya, komersyal o teleserye, na sinamahan pa ng nagdadaldalang estudyante sa paligid at init ng panahon dahil kahit papaano’y may electric fan naman… hindi nga lang gumagana) bagkus, ay bibisita sa amin ang isa sa pinakakilalang manunulat sa industriya, pelikula man o nobela. Si pareng Ricky Lee. Feeling close ko ba? Sa tingin ko ‘yan ang tinatawag na “sarcasm”. Kung hindi mo alam ang salitang ‘yan, aba’y umuwi ka na sa inyo’t magbalat nalang ng patatas.

    As I was saying, ang totoo niyan, hindi naman talaga ako nasabik o kung anong emosyon pa ‘yang normal na nararamdaman. Dahil: 1) Hindi ako fan. 2) Dahil ‘di ako fan, malamang wala pa akong nababasang librong isinulat niya. 3) Ni hindi ko nga alam na siya pala ang sumulat ng pelikulang “Starting Over Again” ni Toni G at Piolo. 4) Ilang beses na nabanggit sa aming pupunta siya, pero hindi matuluy-tuloy. Ano nga bang pakialam ng isang estudyanteng (aaminin ko) may pagkatamad, dahil ang pasok sa isang miyerkules nang umaga ay tila nag-iisang pirasong ipin sa gitna habang ang iba’y nalagas na sa pag-usad ng panahon? Pansin ko, ang OA ng simili ko doon. Patawad.

    Pero wala akong magagawa, bahagi ito ng finals namin. Bottomline ni Boy Abunda, pumasok pa rin ako. Dumating ako sa COC (College of Communication) ilang minutong mas maaga kaysa sa pagdating ng aming propesor na si Prof. Dody, at ng guest of honor, si Sir Ricky Lee. Pagdaan nila sa lobby, mainit na pagbati ang ibinigay namin ng mga blockmates kong nangongolekta ng ambag para sa token na ibibigay sa bisita. Napakalaki ng ngiti sa mga labi ng manunulat, ‘yong ngiti na nakakahawa. Naiimagine mo ba? Nadagdagan pa ang ganda ng salubong niya sa amin sa paniningkit ng mga mata niya. Naalala kong bigla iyong lolo ko. Na-stun ako’t nakatitig lang sa kanya habang nakangiti rin nang mga 8.43267 seconds siguro. At umakyat na sa AVR ng building.

    Agad na nagsimula ang payong manunulat/lecture/words of wisdom/encouragement niya. BUBOG. Ito ang naging pokus ng pagsasalita niya. Maaaring may closure, maaaring wala. Pinaniniwalaan niyang parte ito ng pagkatao ng isang indibidwal, bida man o kontrabida, sa teleserye man o sa realidad. Kaugnay nito, nabanggit niya rin ang dalawang uri ng goal ng isang protagonist sa isang istorya. Ang want at need. Nagbigay siya ng tatlong halimbawa at pinakanagustuhan ko ang ikatlo, ang want at need ng karakter na si Karl sa Hollywood film na “Up”. Nakuha niya ang ‘want’ niya: Ang makarating sa Paradise Falls kasama ng mga alaala ni Ellie, ang asawa niya. At ang mas mahalaga, nakamit niya ang ‘need’ niya: Ang matutunang mag-let go sa pagkawala ni Ellie sa buhay niya sa pisikal na aspeto, at magpatuloy sa buhay nang may pagtitiwala na kaya niyang maging masaya muli. Ito ang tinatawag na “subliminal message” ng pelikula, na bumuo sa pagkatao ni Karl.

    Humanga ako. Kahit mahina ang boses ni Sir Ricky Lee, ang linaw ng mga salitang binibitiwan niya, maging ang mga ideyang nais niyang pagbulay-bulayan ng bawat isa sa amin. Ika niya nga, “We sell not the physical story, but the inner story.” Galing. Bigyan ng fire cracker-clap! Isa pang bagay na nakatutuwa sa prominenteng manunulat na nakatayo sa harapan namin nang mga oras na iyon, ay buong puso niyang sinasagot ang bawat katanungan na ibinabato namin. Dumating pa sa puntong ibinahagi niya ang pinakamalaking kahinaan niya bilang isang tao. Kumbaga, naging ‘transparent’ siya sa mga mag-aaral na nakatitig, patawa-tawa at sobrang nae-enjoy ang pagkukwento niya.

“Paano po namin malalaman kung satisfied na kami sa isinulat namin?” tanong ng isang kaklase ko. “Never settle for good. As long as the story’s not of due yet, do everything to make it better.” BAM! Napakahusay. At ang pinakapaborito ko sa lahat ng mga pahayag niya: “Write unconventionally.” Ako ‘yung tipong mayroong isang araw na wala talagang maitaktak palabas sa isipan ko para maisulat, at mayroon namang araw na pawang isang fountain na nag-uumapaw sa mga senswal na ideya ang utak ko. Totoo. Hindi mo kinakailangang sumunod sa agos ng normal na pamamaraan ng karamihan sa mga creative writers ng kasalukuyang henerasyon. Mas magagalugad mo ang lawak ng kakayahan o kapasidad mo bilang isang malikhaing manunulat kung mag-iisip ka nang labas sa kahon. Think out of the box, dude. Iningles ko lang, duh.

Sa totoo lang, bilang isang kolehiyala, napakarami kong ibig marating sa buhay ko. Seryoso. Sa sobrang dami, hindi ko na alam kung ano ba talaga ang dapat kong i-pursue. Isa na rito ang pagiging manunulat, partikular ng nobela. Sa loob nang maikling oras ng pakikinig kay Sir Ricky Lee, ang dating crumpled dream, aba’y naging STIRRED UP DREAM. Tulad niya, tinatambakan ko rin ang sarili ko ng mala-bundok sa taas ng pinagpatung-patong na libro, binabasa at dinaramdam, may katagalan bago maka-move on sa nagga-gandahang istorya, at wala ni isang pagkakataong hindi ko pinangarap na balang araw, makapagpapalimbag din ako ng sarili kong aklat. Iyon nga pala ang pinag-ugatan ng pamagat, ang pagiging unconventional. Bahagi nito ang paggawa ng sarili kong salita. Turo ‘yan ni Sir Ricky.

PS:    Sa kabila nang pagdadalawa, pagtatatlo, pagaapat, pagwawantawsang isip ko sa pagpunta sa nasabing symposium kasama ni Ginoong Ricky Lee, mayroon akong matibay na paniniwalang hindi isang aksidente ang pagdating ko rito at mapabilang sa mga mag-aaral ng komunikasyon na napukaw at nagbigyan ng inspirasyon ng isang experienced writer na katulad niya. Kaakibat nito, buong kagalakan kong ibig bigyan ng mainit at taus-pusong pasasalamat ang aming propesor sa kursong Writing For TV na si Mr. Rodolfo Lacuna. Salamat po sa pagkakataong ibinigay ninyo hindi lamang sa akin, maging sa buong 2-3. We truly appreciate it. God bless you, Sir Dody!

Lunes, Oktubre 20, 2014

Roleta ng Kapalaran

"Basta hindi na ako mag-aaral next sem. Magliliwaliw nalang ako."

Medyo matagal bago na-realize na hindi pala talaga dapat severe ang pagsubsob sa sarili sa pag-aaral ngayong kolehiyo. Na tamang pasa lang sa tamang deadline, OK na. Na tamang take lang ng exams presko na. Na huwag lang umabsent ng sunud-sunod buhay ka na. N'ong first sem, may prof na nagkamali ng pag-encode ng tamang grade ko sa English. Hindi naman ako ganon kagaling sa nasabing asignatura, pero basta, parang ang hirap tanggapin. Bakit nga ba? Mataas naman kaysa sa passing grade ang midterm exam ko, at ung final production na ginawa ng block namin (kung saan uno kaming lahat), isa ako sa mga may malalaking role. SO, BAKIT? Ang lakas ng loob ko, minessage ko 'yung prof ko. Nagreklamo, pero sa paraang hindi niya halatang imbyerna na ako at gusto na siyang sugurin. In short, sa magalang na paraan. Only to find out, na SIS (Student Information System) pala ang problema ('yun ang sabi niya). After n'on, hindi pa rin ako naniniwalang pare-parehas ng prinsipyo ang mga propesor sa maligayang pagpapaikot ng roleta at kung saan matapat, eh iyon na ang isusulat na marka. Bakit nga ba hindi ko nakita ang truth, and nothing but the truth. Juice meh.

Kanina, galing ako sa school. Sa COC (College of Communication). Iyon daw kasi ang utos ng magaling naming prof sa Writing For Radio (prerequisite 'to), para sa mga estudyante niyang nakatanggap ng INC (incomplete) bilang grade sa course niya. Eventually, natuklasan naming 'yung unang batch pala na nagpasa ng napakahaba at napakamabusising anak ng tokwang radio drama script ang mga nasabing biktima. TAKE NOTE: First batch na nagpasa. To cut the long story short, ito 'yung mga naghabol, nagsikap na maipasa sa deadline niya, for incentives/plus points. Apparently, I am one of them (hindi dahil sobrang GC ko, pero gusto ko lang matapos na agad para wala nang problema), isa sa mga taong umasa sa forever. Forever wala nang problema sa subject niyang $!$#@^%&^$!!! Samantalang 'yung ibang late na nakapasa, or binara-bara (hindi ko naman nilalahat pero basta), ay tuwang-tuwa na sa mga 1.25, 1.5, 1.75, etc. nila. This is so intriguing.

Ayun, we went all the way to the college's faculty room, to present soft copies of the script we've written. Ayon sa butihing prof namin, hindi niya raw nakita ang mga output namin, that's why nagka-aberya. Mahal pa naman ng nagastos sa pag-print at pagbind, ganda pa ng presentation, 'yung iba scented papers pa ang gamit, tapos hindi lang pala niya makikita. Saklap ng bohay. And, one by one, she skimmed through the pages of each soft copy, sabay tanong ng apelyido, yuko, satsat. "Aranda 'di ba? Okay, I gave you 1.5 for the script, and your midterm exam was... 1.75. So to sum up, you get an average of 1.5, okay?" "OK, ma'am." Whatever.

Hindi ako nagrereklamo sa 1.5, in fact, mataas na nga 'yun eh. But as I evaluate the way how she gives grades, 5 steps ang napansin ko. Titig sa script, tingala, yuko, sulat, kuda. Sabay thank you. 'Yung iba pa, na nasaksihan ko 'yung effort na in-exert nila just to produce such friggin' script, eh mas mabababa pa. They navigated from different provinces just to reassure a deserved grade, pero hindi. Wala eh. Bulok ang sistema.

Habang naglalakad kami ng mga blockmates ko papuntang Pureza, bigla nalang nagblurt out 'yung katabi ko. "Kaya next sem talaga, hindi na ako mag-aaral. Magliliwaliw nalang ako." Narinig ko na naman ang pamosong linya sa kolehiyo namin. Natawa nalang ako, napailing.

PS: This is not a generalized notion. All I know is that this truth of the matter exists in our university. Thank you.
 
Plantilla Minima modificada por Urworstenemy